Barangay Blood Banc, Iminumungkahi!

BAGUIO, PHILIPPINES – Isang ordinansang magsasagawa ng blood banks sa mahigit 128 na barangay sa syudad, iminumungkahing maisapinal ni City Councilor at Liga ng mga Barangay – Baguio City chapter President Michael Lawana sa pamamagitan ng executive order mula sa opisina ng alkalde.

Nakasaad sa nasabing ordinansa na ang malapitang blood bank ay makakatulong sa pagsulong at paghikayat ng mga residente na boluntaryong mag-donate ng dugo kung saan ito ay isang makataong gawain.

Ang mga blood bank sa mga barangay ay magsisilbing mga pasilidad kung saan mas malapit at mas mapapadali ang pagkuha sa mga blood deposit kung sakaling ang isang residente ay nangangailangan ng supply ng dugo.


Kung maipapasa ang ordinansa, lahat ng donasyon ay magiging isang regular na programa sa lahat ng barangay kung saan may nakatakdang iskedyul ang pagdodonate ng dugo.

Magkakaroon naman ng Barangay Blood Council  para mangasiwa sa nasabing ordinansa, kung saan magkakaroon ito ng chair of the committee on health, hihirang bilang isang coordinator na may limang myembro ng mga sektor sa iba’t ibang barangay na may tungkulin sa panghahanda ng mga aktibidad kasama ang pagbibigay ng wastong impormasyon ay kaalaman para sa mga magboboluntaryong magdodonate ng dugo.

iDOL, good news to para sa mga nangangailangan ng dugo!

Facebook Comments