Manila, Philippines – Humingi na ng sorry ang barangay captain na nag-viral matapos gamitin ang sasakyan ng barangay sa birthday outing ng kanyang anak.
Ayon kay barangay Escopa II, Quezon City kap. Fernandito Ortiz – inamin nito na barangay vehicle ang ginamit sa outing na isinabay lamang sa aktibidad ng sangguniang kabataan sa parehong resort.
Sinabi naman ni QC administrator Aldrin Cuña – hinihintay pa nila ang resulta ng imbestigasyon ng barangay council na humihingi ng paliwanag ni kapitan.
Nabatid na labag sa batas ang paggamit ng sasakyan ng gobyerno sa personal na lakad.
Nation
Facebook Comments