Cauayan City, Isabela- Nagsimula na ang Barangay Disaster Preparedness Caravan sa ilang mga barangay sa forest region sa Lungsod ng Cauayan sa pangunguna ng Cauayan Disaster Risk Reduction Management Council.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Michael Cañero, Operations and Warning Officer ng CDRRMC, layunin nito na mabigyan ng kaalaman ang mga opisyal ng barangay patungkol sa ilang hakbang sa tamang pagtugon sa sakuna gaya ng documentation, research, reporting, monitoring and operations.
Ayon pa kay Ginoong Cañero, itinuturo din ng kanilang grupo ang ilang pagbibigay ng Community first aid at CPR na kanilang magagamit kung sakaling may insidente.
Itinuro din ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang fire safety measures para makaiwas sa insidente ng sunog.
Magtatapos ang nasabing caravan sa ika-28 ng Nobyembre ng taong kasalukuyan.