Barangay Greater Fairview sa Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig

Quezon City – Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang Barangay Greater Fairview sa Quezon City simula ngayong araw, September 4 habang nagsasagawa ng “maintenance activities” ang Maynilad.

Sa inilabas na advisory, apektado ng water service interruption ang naturang barangay mamayang alas-10:00 ng gabi.

Isasagawa ang maintenance activity sa Dodge St cor Fairlane St./Mustang St. cor Fairlane St./Pontiac St. cor Fairlane St./Malibu cor Fairlane St./Impala St. cor Fairlane St./Coronet St. cor Fairlane St./Ferrari St.
cor Fairlane St./Dahlia cor Regalado St., Greater Fairview.


Dahil dito, pinayuhan ng Maynilad na mag-imbak ng sapat na tubig ang mga residente ng naturang baranggay nang sa gayon ay makaiwas sa abala.

Inaasahan namang maibabalik sa normal ang water supply sa mga nabanggit na baranggay bukas ng alas-10:00 ng umaga.

Facebook Comments