Kotse, nagliyab sa Quezon City

Manila, Philippines – Tinupok ng apoy ang isang kulay itim na kotse na Chrysler na may plakang JND 88 sa gilig ng East bound lane ng Comm Ave Old Balara sa QC.

Ayon sa driver na si Romy Baldivicio, na nasa ligtas ng kalagayan, Galing siya ng Las PiƱas patungo sa Farview QC nang mapansin sinenyasan siya ng mga motor rider na umuusok ang likuran ng kaniyang sasakyan.

Agad niya itong itinabi at lumabas sa kotse hanggang sa magliyab ang apoy at matupok ang kotse.


Bago pa man dumating ang mga bumbero ay tupok na tupok na ang kotse.

Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP QC, posibleng electrical ang pinagmulan ng apoy.

Facebook Comments