Barangay Kagawad, Arestado sa Bentahan ng Iligal na Droga

42

Cauayan City, Isabela- Timbog sa pagbebenta umano ng iligal na droga ang isang Barangay Kagawad matapos ang ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. Maddarulug Malacabibi, Solana, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Kagawad Benjamin Canapi, 33-anyos, may-asawa at itinuturing na High Value Target (HVT).


Nabentahan ng suspek ang isang operatiba ng isang (1) pakete na naglalaman ng pinatuyong dahon ng Marijuana kapalit ang P500.00 na buy-bust money.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang pera na ginamit sa buy-bust operation, isang motorsiklo na walang plaka at cellphone.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nasa kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments