Glaiza de Castro, ibinahagi na ang plano para sa kaniyang nalalapit na kasal

40

Ibinahagi na ng aktres na si Glaiza de Castro ang updates kaugnay sa wedding plans nila ng kaniyang Irish fiancée na si David Rainey.

Kasunod ito ng pag-anunsiyo ni Glaiza ng kaniyang nalalapit na kasal sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post noong December 24, 2020.


Ayon kay Glaiza, nais niya na beach wedding na lang ang maging setup ng kaniyang kasal.

Habang binabalak din niyang komportableng gown na lamang ang kaniyang ipagawa, para maging maayos ang galaw niya sa kaniyang espesyal na araw.

Sa ngayon, pinaplano na ni Glaiza na sa Siargao na lamang ganapin ang kaniyang kasal, dahil doon sila unang nagkakilala at naging magkaibigan ng kaniyang mapapangasawa bago naging magkasintahan.

Titiyakin naman nina Glaiza at David na susundin nila ang lahat ng health protocols, pati na rin ang limitasyon sa mga bisitang iimbitahin nila.



Facebook Comments