Barangay kagawad at anim na kasamahan, arestado sa drug buy bust operations sa Bacolod

Bacolod, Philippines – Arestado ang isang barangay kagawad sa Bacolod ang anim pang katao sa isang drug buy bust operation ng station Drug Enforcement Team ng police station 7 at Regional Drug Enforcement Unit sa Victorina Subdivision, Brgy. Mansilingan, Bacolod City, Sabado ng umaga.

Kasama sa arestado si barangay Cabug Kagawad Vonkarlo De Paula, 31 taong gulang; Robert Azero, 26 taong gulang ng Murcia; Renato Nicor, 53 taong gulang ng Barangay Pahanocoy; Joefy Casiano, 40 taong gulang ng Barangay Alijis; John Mark Amodia, 25 taong gulang ng Barangay Mansilingan, Dindo Crispe; 27 taong gulang ng Barangay Villamonte; at ang subject sa operation na si Josan Cawacas, 40 taong gulang ng Purok Kabugwason, Barangay Mansilingan.

Narekober ng mga otoridad ang tatlong maliliit at isang malaking sachet ng suspected shabu, pera, at drug paraphernalia.
Nation


Facebook Comments