Mister, pinutulan ng ari ng kanyang misis sa Carles, Iloilo dahil sa sobrang selos

Iloilo, Philippines – Naputol ang ari ng isang mister matapos putulin ito ng kanyang misis gamit ang gunting dahil sa sobrang selos.

Ang biktima ay kinilalang si Mark Fernandez Betita, 33 taong gulang ng barangay Barosbos, Carles, Iloilo; habang ang suspek naman na asawa nito ay si Liezel.

Ayon sa ina ng biktima, binalak talaga ng asawa na putulan ng pagkalalaki ang mister nito.


Naganap ang insidente alas 9 ng Sabado ng gabi sa kanilang bahay habang mahimbing na natutulog ang mister na nakainum ng alak.

Napag-alaman na madalas nag-aaway ang mag-asawa dahil sa sobrang pagseselos at nagdududa ang asawa sa kanyang mister na palaging may angkas sa motorsiklo.

Kaagad namang tumakas ang asawa matapos guntingin ang ari ng kanyang mister na ngayon patuloy na naka-confine sa ospital at wala pang katiyakan kung maidugtong pa ito ng mga doktor.
Nation

Facebook Comments