Barangay Kagawad, Huli sa Iligal na Pag Iingat ng Kalibre ng Baril

*Cauayan City, Isabela*- Naaresto ng mga awtoridad ang isnag Barangay Kagawad matapos isilbi ang Search Warrant na ipinalabas ng korte may kaugnayan sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Brgy. San Antonio, Enrile, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Kagawad Mark Anthony,30 anyos, walang asawa at residente sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Enrile, dinakip ang kagawad ng pinagsanib na pwersa ng 204th MC, RMFB2 matapos isilbi ang Search Warrant sa suspek sa mismong tahanan nito habang narekober ang (1) homemade caliber 45, (1) short magazine caliber 45 na may (4) na bala at (1) bala naman sa homemade caliber.


Sasampahan ng kasong RA 10591 ang Kagawad na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Kinomendahan naman ni PBGen. Angelito Casimiro ang operatiba na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek.

Facebook Comments