Barangay kagawad na nangikil sa kanyang kapwa kagawad, arestado sa lungsod ng Quezon

53

Manila, Philippines – Kalaboso sa entrapment operation ang isang barangay kagawad matapos mangikil sa kanyang kapwa kagawad sa lungsod ng Quezon.

Ayon kay Psupt. Pedro Sanchez, ng Quezon City Police District (QCPD)-Kamuning station, naaresto sa nasabing operasyon si Kagawad Edgardo Pulongbarit ng barangay paraiso.

Aniya, nagpakilala ang suspek na isa sa mga opisyal ng games and amusement board, doon nakipagkasundo ang suspek na magkita sila ng biktimang si kagawad Jessie Segundo, ng barangay Obrero.

Nang magkaabutan na ng pera na nagkakahalaga ng P6,500 ang dalawa doon na dinampot ang suspek.

Kwento ng biktima, ang nasabing bayad ay para hindi ipatigil ng board ang kanilang pinapagawang tupada na gagamitin sa fiesta sa kanilang barangay.

Maliban sa mark money, nakuhaan rin sa suspek ang isang .45 caliber na baril at limang bala.

Facebook Comments