Dalawa, patay sa road accident sa Baclaran

152

Manila, Philippines – Dalawa ang patay kabilang na ang kritikal na dinala sa San Juan de Dios Hospital nang ma-hit and run sa northbound ng Baclaran, Parañaque.

Ayon kay Renato Pamintuan ng Baclaran traffic, alas tres y medya ng madaling araw nang itawag sa kanila ang naturang insidente.

Tumatawid ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki nang mabangga at kaladkarin ng van.

Tumakas ang van at hindi naplakahan. Naiwan naman nito ang bumper sa area.

Nagdulot naman ng mabigat na trapiko sa lugar ang insidente lalupat karamihan sa mga dumadaan ay mga malalaking truck pero dalawang lane lang ang nadadaanan nila.

Dobrang dilim ng daan dahil hindi gumagana ang street lights, at hindi rin ito ang tamang tawiran.

Facebook Comments