Nasa 800 katao na sabay-sabay nag-shampoo sa China, nagtala ng bagong world record

30

Manila, Philippines – Nagtala ng bagong world record ang 800 katao na sabay-sabay na nag shampoo at magbanlaw sa bayan ng taiyuan bayan ng Taiyuan sa China.

Ginawaran sila ng Guinness World records ng isang plaque bilang patunay sa kanilang nakamit.

Hindi naman malinaw kung ano ang dating world record na binasag ng mga taga-Taiyuan.

Ipinaliwanag naman ng organizer ng pagtitipon na hindi lang para makakuha ng world record ang layunin ng event.

Umaasa ang mga organizer na kasabay ng pagbabanlaw ay kasama ring maaalis ng shampoo ang kanilang mga kalungkutan.

Ilan pa sa nakuhang record ng China ay ang pinakamaraming dumplings na nailuto ng sabay-sabay, pinakamaraming tao na nagsuot ng facial mask ng sabay-sabay, at pinakamaraming babae na nagsuot ng Japanese maid costume ng sabay-sabay.

Facebook Comments