Barangay kagawad ng Barangay 194 sa Pasay City, ikinatuwa ang pagbisita ng Radyo Trabaho

Ikinagalak ng mga residente ng Barangay 194 na mga kabuuang populasyon na 7,600 indibidwal ang pagbisita ng DZXL Radyo Trabaho team upang mabigyan ng hanapbuhay ang walang trabaho.

Ayon kay Barangay Chairman Gilbert Gubish ng Barangay 194 isang malaking karangalan umano ang ginawang pagbisita ng DZXL Radyo Trabaho team para suportahan ang kanyang mga nasasakupan na walang trabaho.

Paliwanag pa ni Chairman Gubish, malaking tulong aniya ang DZXL Radyo Trabaho upang maalalayan at mabigyan ng hanapbuhay ang kanyang mga kabarangay dahil nagbahay-bahay ang grupo para kumatok at hingiin ang inyong resume para sila’y mabigyan ng trabaho.


Facebook Comments