Barangay kagawad, timbog sa buy bust operation sa Makati

482

Manila, Philippines – Natiklo ng mga operatiba ng Makati City Police ang isang barangay kagawad, sa ikinasang drug buy bust operation sa lungsod ng Makati.

Arestado si Virgilio Awit, 59 anyos, may asawa at kasalukuyang kagawad ng Barangay East Rembo ng naturang lungsod.

Kilala umanong notoryus na drug pusher si Awit batay na rin sa ulat na lumabas sa intelligence unit.

Ayon pa sa report, nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis na bibili ng shabu.

Nang magkaabutan na ng pera at shabu, dito na kinwelyuhan si Awit at dinala sa istasyon ng pulisya.

Nakuha mula kay Awit ang apat na sachet na naglalaman umano ng shabu at buy bust money na 1,500 pesos.

Hindi na nakapalag si Awit nanhg arestuhin kanina sa may elevated slot sa northbound ng C5 road at mahaharap sa kasong may kaugnayan sa Dangerous Drugs Act of 2002.
Nation

Facebook Comments