Lalaking palakad-lakad sa Batasan QC habang may nakasukbit na baril, arestado

41

Manila, Philippines – Naaresto ng mga tauhan ng Barangay Batasan Hills Quezon City ang isang lalaki na nagdadala ng baril ng walang lisensiya sa Visayas Avenue kagabi.

Hindi na nakapalag pa ang suspek na kinilalang si John Manuel Dimaano, 21 anyos, residente ng San Miguel Street Brgy. Batasan Hills.

Ang pagkakaaresto kay Dimaano ay kasunod ng sumbong ng isang concern citizen na mayroong lalaking palakad-lakad sa lugar at may nakasukbit na baril.

Agad itong tinungo ng mga Barangay tanod at nang maispatan at kapkapan ay nakuha kay Dimaano ang kalibre trentay otsong baril na may tatlong bala.

Nai-turn over na sa QCPD Station 6 sa Batasan si Dimaano at inaalam ngayon ng mga awtoridad kung anong lakad ng suspek na nahaharap sa kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition.
Nation

Facebook Comments