Notorious na holdaper, patay matapos makipagbarilan sa otoridad sa Caloocan

15

Manila, Philippines – Patay ang isang notorious na holdaper matapos na makipagbarilan sa mga operatiba ng PCP 4 Caloocan Police sa Victory Gate 1, Brgy.180, Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si John Rey Obando alyas Ajie na sinasabing notoryos na holdaper sa lugar.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagsagawa ng follow-up operation sa posibleng pag-aresto sa dalawa pang suspek ng insidente ng robbery sa Quirino Hi-way noong 9:30 ng gabi pagdating ng mga pulis ay nagpupumilit tumakas ang mga suspek sa likuran ng kanilang bahay pero nakorner ang mga ito.

Agad pinaputukan ang mga pulis gamit ang improvise shotgun o sumpak kayat gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa agarang kamatayan ng suspek.habang nakatakas ang isa.

Napag-alaman.na bukod sa notorious na holdaper ang suspek sangkot din ito sa sunod-sunod na holdapan sa Barangay 171 at 180, Caloocan City at sangkot din umano ito sa iligal na droga.
Nation

Facebook Comments