Ang Dagupan City ang mayroong pinkamalaking bilang ng botante sa buong Region 1 na mayroong 119, 964 ayon sa COMELEC Dagupan.
Ayon kay Atty. Michael Frank Sarmiento, Electoral Officer IV COMELEC Dagupan, ang Barangay Bonuan Gueset ang pinakamaraming bilang ng botante sa lungsod na mayroong 14, 972. Nasa concern list naman nila ang limang island barangay – Carael, Pugaro, Calmay, Salapingao at Lomboy dahil kailangan umanong gumamit ng bangka upang madala ang mga kagamitan sa halalan.
Dagdag ni Sarmiento na magkakaroon naman ng pagsasanay ang mga board of canvassers sa darating na April 1- 6 at ang sealing and testing ng mga makinaryang gagamitin ng mga ito ay magaganap sa May 10 at maari ng ihanda sa bawat prisinto.
*Contributed by
Joshua Sulla
Erwin Cayabyab
Christine Ambat
*Photo Credits: Allen Mayo [image: 55807399_397618811070085_6357676518734299136_n.jpg]
Barangay na may pinakamalaking bilang ng Botante sa Dagupan, alamin
Facebook Comments