Barangay Official, Empleyado ng Naga City Hall, at 6 pa Tiklo sa PDEA Drug Buy-Bust

Patuloy ang operasyon ng PDEA Camarines Sur laban sa mga sangkot sa illegal na droga. Kahapon, isang buy-bust operation ang isinagawa ng mga operatiba nito sa Dimasalang St., Barangay Sta. Cruz, Naga City.
Walo katao ang bumagsak sa kamay ng otoridad matapos silang mahulog sa bitag ng pulisya.
Kinumpirma ni PDEA Regional Director Christian Frivaldo na matagal ng pinagmamanmanan ng mga operatives ng PDEA CamSur ang mga taong nahuli sa isang buy bust operation ng kahapon ng tanghali.
Ayon sa report, kabilang sa mga nahuli si Romeo Caladaña na sinasabing Barangay Kagawad ng Bagumbayan Norte, Naga City.
Kabilang din sa mga nahuli si Roger Daliva, sinasabing empleyado ng Naga City Abattoir at anim na iba pang sina Norman Mendones, Ronald Palacay, Randy Palacay, Alvin Ferrer, Celso Calisura, at Pedro Ponte, may ari ng bahay kung saan isinagawa ang buy-bust operation.
Ayon kay Frivaldo, target ng operation si Norman Mendones na matagal ng under surveillance. Sinasabing matunog na sa PDEA ang pangalan ni Mendones na may koneksiyon sa droga
Nakuha sa nasabing operasyon ang 50 grams na pinaghihinalaang shabu na may street value na 300K pesos.

Facebook Comments