DEATH PENALTY | Pagtalakay ng Senado, pagsasayang lang ng oras

Manila, Philippines – Para kay Senator Panfilo Ping Lacson, magiging pagsasayang lang oras ang gagawing pagtalakay ng Senado sa panukalang pagbabalik ng parusang bitay.

Si Lacson ay isa sa mga may akda ng death bill, pero aminado siyang hindi ito makakakuha ng majority vote dahil maraming senador ang kontra.

Hinggil dito ay iminungkahi ni Senator Lacson kay Senator Manny Pacquiao na pulsuhan o kapain muna ang mga kasamahan bago ihain sa plenaryo ang panukala.


Ipinunto ni Lacson na makabubuting talakayin na lang nila ang mga panukala na malaki ang tsansang maisabatas katulad ng National ID System (NIDS).

Facebook Comments