Barangay PeaceKeeping Action Team Training sa Lungsod ng Cauayan, Aarangkada!

*Cauayan City, Isabela*- Nagpulong ang nasa 65 na Kapitan sa Lungsod ng Cauayan bilang paghahanda sa ilang gagawing pagsasanay ng miyembro ng Barangay PeaceKeeping Action Team (BPAT) upang bigyang kahandaan ang mga ito sa pagresponde sa mga insidente sa kanilang komunidad.

Ayon kay P/Capt. Ezem Galiza, ang tagapagsalita ng Cauayan City Police Station, aniya ito ay upang bigyan ng sapat na kaalaman kung paano reresponde ang mga brgy. Police sakaling magkaroon ng hindi inaasahang insidente sa kanilang komunidad.

Dagdag pa ni Galiza na batay sa pagsusuri sa mga nagdaang taon ay handa ang mga brgy. police sa ilang pagresponde ng insidente gaya ng kriminalidad kung kaya’t ang pagsasagawa ng BPAT Training sa taong ito ay upang ipaalala muli ang kahandaan ng mga miyembro ng BPAT.


Magsisimula naman ang nasabing pagsasanay sa Hunyo 10-14 na pangungunahan ng Forest Region at sunod ang Poblacion, West Tabacal, East Tabacal at Tanap Region.

Samantala, nagpaalala naman si Capt. Galiza sa ilang mga Kapitan na nakakatanggap ng text message upang hingin ang mga personal na contact number ng kanilang kapwa kapitan at kalaunan ay nagpapakilala pa na miyembro ng PNP at utos umano ng ilang matataas na opisyal ng PNP na huwag basta-basta magbigay ng kahit anong impormasyon at mangyaring ipaberika na lamang sa tanggapan ng Cauayan City Police Station.

Facebook Comments