Barangay Risk Reduction and Management Team ng Muntinlupa City, naka red-alert na dahil sa Bagyong Quinta

Naka-alerto na ang lahat ng Barangay Risk Reduction and Management Team ng pamahalaang lokal ng Muntinlupa kung sakaling lumakas pa ang Bagyong Quinta.

Ayon kay Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, maliban sa response team ng bawat barangay ng lungsod, nakahanda na rin ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) nito.

Aniya, kahapon pa lang ay nakala-alerto na ang mga ito kasabay ng pagtaas ng tubig sa Laguna de Bay.


Sa ngayon aniya, hindi pa naman umaabot sa 4.5 hanggang 6.75 meters ang taas nito upang itaas ang warning alert.

Pero bilang pag-iingat at matiyak na walang nasawi ng dulot ng Bagyong Quinta, nagsagawa na sila ng pre-emptive evacuation, kung saan nasa 40 pamilya ang nailikas mula sa tatlong barangay ng lungsod na malapit sa low lying areas at Laguna de Bay.

Facebook Comments