Barangay Talipapa at Barangay Sauyo sa Quezon City, pansamantalang mawawalan ng tubig

Quezon City – Simula mamayang alas 10 ng gabi, pansamantalang makararanas ng water supply interruption ang Barangay Talipapa, at Barangay Sauyo sa lungsod Quezon.

Ito ay bunsod ng isasagawang maintenance activity ng Maynilad sa Mindanao Ave (Galaxy Gas Station) pagpatak ng alas 10 ng gabi mamaya at tatagal hanggang alas 4 ng madaling araw bukas (October 26).

Pinapayuhan ang mga residente ng mga nabanggit na Barangay na mag-imbak na ng tubig dahil posibleng maantala ang pagpapanumbalik ng water supply.


Facebook Comments