Barangay tanod na itinuturong kabilang sa riding-in-tandem na nakapatay sa barangay Chairman sa Mandaluyong, huli

*Mandaluyong – *Arestado ang isang barangay tanod na itinuturong kabilang sa riding-in-tandem na bumaril at nakapatay sa isang barangay chairman sa Mandaluyong City.
Nakilala ang suspek na si Christopher Calumba na nadakip sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis.
Ayon kay Easter Police District Director Romula Sapitula, positibong itinuro ng witness si Calumba na siyang bumaril kay Barangay Chairman Godofredo Tolentino habang nagbibilyar ito sa Reyes Street, Brgy. Poblacion.
Napag-alaman na isang barangay tanod si Calumba at maari din itong nagta-trabaho bilang isang gun for hire.
Dagdag pa ni Sapitula, posibleng pulitika ang nakikita nilang motibo sa pamamaril kung saan malapit na din nilang matunton ang driver ng motorsiklo na ginamit sa krimen.
Tumanggi naman si Calumba sa mga paratang at sinabing napagkamalan lamang siya ng mga pulis dahil kahawig niya ang suspek na nakita sa CCTV.

Facebook Comments