Arestado, dahil sa pangingikil

Makati – Arestado ang dalawang indibidwal matapos mabisto ang kanilang modus na pangingikil ng pera sa Makati City Government
Diskarte ng grupo, magpapanggap na tauhan ng DILG sabay hihingi ng donasyon para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Nakilala ang mga suspek na sina Ricardo Simbulan at Mitus Sampayan pawang residente ng Brgy. Pembo, Makati City.
Nabatid na nakipag-ugnayan ang DILG sa mga pulis makati para sa ikakasang entrapment operation kung saan nasakote ang mga suspek sa isang pawnshop sa JP Rizal Extension. Brgy. Comembo.
Lumalabas na ginagamit ng mga suspek ang pangalan ni Usec Catalino Cuy, ang O-I-C ng DILG para makakuha ng pera.

Facebook Comments