lindol sa Ilocos Sur kahapon, walang naitalang pinsala

Ilocos Sur – Kinumpirma ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na walang naitalang nasira sa pagyanig ng magnitude 4.9 na lindol sa Ilocos Sur kahapon.
Ayon PDDRMC Officer Michael Chan, nagsagawa pa din sila ng assessment upang matiyak na walang dinalang pinsala ang naturang pagyanig.
Naramdaman ang pagyanig na sentro sa bayan ng Sta. Catalina.
Umabot naman sa Intensity III ang naramdaman sa Vigan City at Pasuquin, Ilocos Norte habang Intensity V sa bayan ng Sinait.

Facebook Comments