Barangay traffic plan pag-aaralan ng Manila City Government

Masusing pag-aaralan ni Manila Mayor Elect Mayor Isko Moreno ang Barangay Traffic Plan upang tuluyan ng maresolba ang problema ng trapiko sa Manila.

 

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila sinabi ni Mayor Moreno na isasangguni nito sa kanyang TWG ang mungkahi na magkaroon ng Barangay Traffic Plan sa bawat Barangay sa Manila upang masolusyunan ang matinding trapiko sa Lungsod.

 

Paliwanag ng alkalde napakahalaga kung magkakaroon ng kaluwagan sa daloy ng trapiko sa mga motorista na dumadaan at lumalabas sa Maynila.


 

Giit ni Moreno rehabilitasyon sa trapiko at disiplina sa kapwa pasahero at driver  ang kailangan para mapasunod ang mga motorista na papasok at lalabas sa Maynila.

Facebook Comments