Usapan-usapan ngayon ang isang barbero sa Palestine dahil sa kakaiba nitong paraan ng pagrerebond ng buhok. Sa halip kasi na blow-dryers, apoy ang ginagamit ni Ramadan Edwan sa pagtutuwid ng buhok ng kanyang mga customer dahil na rin sa kawalan ng kuryente. Ang siste, papahiran muna niya ng flammable powder at liquid ang buhok ng kanyang customer bago ito bahagyang ilalapit sa apoy para mainitan. Pero hindi si Edwan ang kauna-unahang barbero na gumamit ng tinatawag nilang “blazing technique.” Katunayan, una na itong ginamit ng isang barbero sa India at isang Spanish hairstylish na si Alberto Olmedo.
Facebook Comments