Manila, Philippines – Nagpapatrolya na ngayon sa buong Benham rise ang isa sa barko ng Philippine Navy.
Ito ang kinumpirma ni Northern Luzon Command Spokesperson Major Bonifacio Arceda.
Aniya ang Barko ng Pilipinas (BRP) Ramon Alcaraz ang ginagamit sa pagpapatrolya ngayon ng Philippine Navy sa Benham Rise.
Sinabi ni Arceda na isinama sa regular na pagpapatrolya ng Philippine Navy ang Benham Rise maliban pa sa karagatang sakop ng Northern at Eastern Luzon.
Nagsimula aniya ang patrolya sa Benham Rise gamit ang BRP Alcaraz noon pang March 17 at wala pa aniyang planong bumalik sa kanilang station ang tropa dahil iikutin nila ang Casiguran Area at ang 13 milyong ektarya ng Benham rise.
Sakali naman aniyang makakita ng Chinese vessel ang kanilang tropa habang nagpapatrolya sa Benham Rise kakausapin nila ang mga sakay ng barko at sasabihing lumampas na sila boundary.
Matatandaang una nang kinumpirma ng Defense Department ang presenya ng Chinese vessel sa benham rise na sakop ng teritoryo ng bansa.