Barkong nag-ooperate sa Manila Bay, iinspeksiyunin ng PCG dahil sa posibleng mga paglabag

Iniinspeksiyon ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang barkong nag-ooperate sa bahagi ng Manila Bay kaugnay ng mga posibleng iregularidad at paglabag.

Ayon sa PCG, ipinag-utos ni Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan sa Coast Guard District National Capital Region–Central Luzon na magsagawa ng masusing inspeksiyon sa nasabing barko.

Sinabi ni PCG Spokesperson Captain Noemie Cayabyab na dati nang nahuli ang barko dahil sa mga safety-related violations at pinatawan na ng kaukulang aksyon.

Babala ng PCG, sakaling mapatunayang patuloy pa rin ang mga paglabag at nakapaglayag ang barko sa kabila ng mga kakulangan, papatawan ng administratibong parusa hindi lamang ang operator ng barko kundi pati na rin ang mga tauhan ng PCG na posibleng nagpabaya.

Tiniyak ng PCG na patuloy nilang ipatutupad ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mahigpit na ipatupad ang mga batas sa karagatan, pangangalaga sa kapaligiran, at kaligtasan sa mga karagatang sakop ng Pilipinas.

Facebook Comments