Nilinaw ng assemblyman ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na tanging si Vice President Leni Robredo lamang ang bumisita at nangampanya sa Marawi.
Sa Facebook post, sinabi ni Assemblyman Zia Alonto Adiong, landslide ang pagkapanalo ni Robredo sa Lanao Del Sur dahil siya lamang ang Vice Presidential Candidate ang nagsagawa ng Political Rally sa lugar.
Aniya, wala nang iba pang National Candidates ang nangampanya maliban kay Robredo sa Marawi City.
Para kay Adiong, isang kahibangan sa sinumang nangsasabi na may ibang kandidato dapat ang nanalo sa Lanao Del Sur.
Sa Electoral Protest ni Bong Bong Marcos laban kay Robredo, nakasaad sa third cause of action ay ang Annulment ng 2016 Election Results sa Pagkabise Presidente sa Lanao Del Sur, Basilan, at Maguindanao dahil sa terorismo, karahasan, pre-shaded ballots, at vote subsitution.