Personal na iniabot kahapon ni Bangsamoro Government Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim ang Php15-million cash assistance sa Amai PakPak Medical Center (APMC) sa Marawi City upang suportahan ang biomolecular laboratory nito para sa Coronavirus disease (Covid-19).
Kahapon nang lumagda din sina Ebrahim at APMC Chief II Dr. Shalimar Sani-Rakiin ng Memorandum of Agreement.
Ayon kay Ebrahim, ang paglagda sa MOA ay pagpapahiwatig ng kanilang commitment ng APMC sa paglaban sa Covid-19.
Kumpyansa umano si Ebrahim na ang kanilang counterparts sa APMC ay kasangga nila sa nagpapatuloy na laban konta covid-19.
Ang cash assistance na Php15, 039, 688.00 ay gagamitin sa pag-establish ng biomolecular laboratory upang ma-test para sa SARS-COV-2 alinsunod sa standards ng Department of Health (DOH).
APMC laboratory recently received its License to Operate (LTO) for GenExpert Machine from the DOH on Monday, June 29, 2020.
Ayon naman kay Dr. Rakiin, ang infra-component para sa biomolecular laboratory ay 39-nang tapos, inaasahan anyang gawa na ito pagsapit ng August 20.
BARMM PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>