Eya Laure, tiniyak na maglalaro sa game 3 kontra Ateneo

Photo Courtesy: Tiebreaker Times//Joaqui Flores

Sa kabila ng iniindang sakit sa paa, nangako ang Rookie of the Year na si Eya Laure na maglalaro ito sa game 3 kontra Ateneo Lady Eagles sa Season 81 UAAP Women’s Volleyball Championship.

Ayon kay Laure, hindi niya iniisip ang natamong mild left ankle injury na isa lang raw na pasubok sa kaniya.

Hinding hindi raw siya susuko para sa target nilang kampeonato.


Kapwa hawak ngayon ng Lady Eagles at Tigresses ang 1-1 standing.

Muling magtatapat para sa game 3 ang Katipunan at Espanya sa Sabado sa MOA Arena sa ganap na alas-3 ng hapon.

Facebook Comments