
Cauayan City – Panibagong programa para sa kampanya tungo sa malinis na kapaligiran ang inilunsad ng Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.
Nagsimula kahapon, ika-7 ng Abril ang pamamahagi ng pamunuan ng Brgy. District 1 ng mga basurahan para sa mga tricycle drivers mula sa kanilang Brgy.
Ayon sa Punong Barangay ng Brgy. District 1 na si Marc De Joya, tinatayang nasa 600 ang bilang ng mga tricycle na mula sa kanilang lugar na plano nilang mabigyan ng nabanggit na trash cans.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang kanilang pamamahagi sa mga tricycle drivers na hindi pa nakakatanggap nito.
Ang hakbang na ito ay isa sa inisyatiba ng kanilang barangay upang mapanatili ang kalinisan at responsableng pagtatapon ng basura hindi lang sa kanilang lugar kundi pati na rin sa mga lugar na napupuntahan ng mga tricycle na pampasada.