Basurang nakolekta ng MMDA sa Marikina City at San Mateo sa Rizal, umaabot na sa mahigit 841 tonelada

Umabot sa 841.34 toneladang basura ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga binahang lugar sa Marikina City at San Mateo sa Rizal matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses.

Sinabi ni MMDA Chairman Danilo Lim, na magpapatuloy ang paglilinis at operasyon hanggang sa malinis at ligtas ang mga lugar na apektado ng bagyo.

Hindi bababa sa 150 tauhan ng MMDA ang tumulong sa clearing operations ng mga lokal na pamahalaan ng Marikina at San Mateo, Rizal


Nagpadala rin ang MMDA ng mga dump truck, at mga pay loader para magamit sa clearing operations.

Magpapatuloy ang pagbibigay nila ng tulong sa mga apektadong residente hanggang sa makumpleto ang rehabilitasyon ng lokal na pamahalaan at ang pagpapanumbalik sa normal na sitwasyon.

Facebook Comments