Patuloy ang mga donasyon na ipinapaabot sa DWNX para tulungan ang mga pamilyang nasunugan sa Brgy. Igualdad nitong madaling araw ng Bagong Taon.
Pinasimulan ang inisyatiba ni dating Naga City Mayor Cho Roco sa pakikipagtulungan ng DWNX bilang communication/radio partner at ng Metro Naga Chamber of Commerce and Industry (MNCCI) bilang volunteer donation drop-off center.
Inisyal na nagkaroon ng cash donation ang initiator na si Cho Roco ng halagang 5,000 piso na sinundan naman ng pakikibahagi ng iba pang mga tagapakinig ng DWNX. Sa kasalukuyan, umaabot na sa 20,000 pesos ang naipong cash donation at bulto-bulto na rin ang mga kagamitang ibinahagi ng iba pang concerned listeners.
Kaninang umaga lamang ay ipinaabot din ng pamilya ni dating BM Carlo Batalla na binuksan ng mga batang Batalla ang kani-kanilang alkansiya upang ibahagi rin ang naipong mga coins sa mga pamilyang nabiktima ng sunog. Umabot sa 8,860 pesos din ang mga coins na naipon sa kani-kanilang mga alkansiya.
Patuloy namang nakikipag-ugnay ang DWNX sa pamilya ng nasunugan at sa mga lider ng Barangay Igualdad para maisaayos ang distribution ng mga naipong cash at inkind donations. Nakatakdang ipamahagi ang mga naipong cash and inkind donations bukas.
Mula po sa mga RadyoMaN ng RMN DWNX Naga, sa ngalan po ng nagpasimuno ng makabuluhang gawaing ito – Cho Roco, at sa pakikipagtulungan ng Metro Naga Chamber of Commerce and Industry (MNCCI), bukal sa loob po na pasasalamat ang aming ipinapaabot sa lahat ng nakibahagi sa kawanggawa na ito. Dios Mabalos po!
Kasama mo sa balita at serbisyo publiko, RadyoMaN Grace Inocentes, Tatak RMN!
Bata, Bata, Bakit Ninyo Ito Ginawa? 3 Musmos, Binuksan ang mga Alkansiya para Makatulong sa mga Pamilyang Nasunugan sa Brgy. Igualdad, Naga City
Facebook Comments