WISH | Dubsmash Queen, may sweet birthday message sa kanyang Pambansang Bae

Manila, Philippines – Isang maiksi pero sweet na birthday message ang ibinahagi ngayon ni Dubsmash Queen Maine Mendoza sa kaniyang on screen partner na si Alden Richards.
Wish ni Maine para kay Alden na makuha na daw nito ang hinihiling niya sa buhay bagama’t halos nasa kaniya na ang lahat kung saan sana daw ay maibigay na din sa kaniya ang inaasam ng kaniyang puso.
Matapos naman ang program nila kahapon ay sumama si Maine sa celebration ng birthday ni Alden sa isang Café Resto sa Quezon City.
Matatandaan na nagpahinga ng halos isang buwan si Maine matapos ang kontrobersyal na post nito hinggil sa pagiging magkaibigan at loveteam partners lang daw sila ni Alden.
Samantala*, *tinawanan lang at nagkomento ang aktres na si Angelica Panganiban sa instagram post ng kaniyang non-showbiz friend hinggil sa mga playtime boys na nai-inlove sa mga playtime girls.
Say ni Angelica, maituturing lang daw na Casual Relationship ang ganitong uri ng relasyon lalo na’t may ibang hangad ang kalalakihan sa ganitong uri ng mga babae.
Hindi man direktang sinabi ni Angelica kung sino ang tinutukoy pero nagkumento pa ito sa huli na “magsama-sama sila.”

Facebook Comments