Batanes, isinailalim sa ECQ dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

Isinailalim na sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang lalawigan ng Batanes simula kahapon dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa Batanes Provincial Government sa Facebook, magtatagal ang ECQ hanggang Oktubre 4.

Sa huling datos nitong Setyembre 20, mayroong 100 bagong kaso ng COVID-19 kung kaya pumalo na sa 121 ang aktibong kaso.


Naitala ito sa anim na bayan: 6 sa Itbayat, 94 sa Basco, 6 sa Mahatao, 1 sa Ivana, 10 sa Uyugan, at 4 sa Sabtang.

Bunga ng community transmission ang paglobo ng mga kaso.

Sa ngayon, kinansela na ng Provincial COVID-19 Task Group ang inbound passenger flights o biyahe ng mga eroplano na may dalang pasahero papasok ng Batanes.

Papayagan naman ang humanitarian flights pati na emergency cases, pero dapat ay may koordinasyon sa pamahalaang panlalawigan.

Facebook Comments