Batanes, Naghigpit sa Health Protocol matapos Makapagtala ng Community Transmission

Cauayan City, Isabela- Mas lalong naghigpit ang Provincial Government ng Batanes sa pagpapatupad ng COVID restrictions sa loob ng dalawang linggo matapos makapagtala ng unang kaso ng Community transmission.

Nagsimula na ngayong araw, Setyembre 17, 2021 ang implementasyon na magtatagal hanggang October 1, alinsunod sa Executive order no. 24 na nilagdaan ni Governor Marilou Cayco.

Sa ilalim ng kautusan,magiging limitado ang paggalaw ng mga residente sa pag-access ng basic necessities kasunod naman ng ginagawang rehabilitasyon matapos manalasa ang bagyo.


Mahigpit rin na ipinagbabawal ang mass transportation.

Kaugnay nito, pinapayagan pa rin ang operasyon ng mga pribadong establisyimento na nagbibigay ng essential services kung saan limitado naman ang kanilang oras mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.

Samantala, muli namang inatasan ng gobernador ang lahat ng municipal at barangay COVID checkpoints na magbantay 24-oras.

Facebook Comments