Batanes, Naitala ang Kauna-unahang COVID-19 Case

Cauayan City, Isabela- Isinailalim na sa mahigpit na pagbabantay ng Batanes Provincial COVID-19 Task Force ang isang indibidwal na kauna-unahang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Batay sa nakuhang impormasyon ng iFM Cauayan, isang Locally Stranded Individual (LSI) ang dumating sa kanilang lugar sakay ng isang sasakyang panghimpapawid ng Philippine Air force noong September 22.

Agad itong isinailalim sa swab test hanggang sa lumabas ang result anito kahapon na positibo sa virus.


Ang nasabing biktima ay kasalukuyang basa isolation facility ng Provincial Government ng Batanes partikular sa Batanes resort.

Nagsasagawa na rin ng contact tracing ang mga kinauukulan upang matukoy ang lahat ng nakasalamuha ng biktima.

Matatandaan na matagal naging COVID-19 free ang lalawigan dahil sa layo ng lokasyon nito sa kung kaya’t matindi ngayon ang ginagawang monitoring ng provincial task force sa mga pumapasok sa mga upang at kumakalat ng nasabing virus sa kanilang isla.

Facebook Comments