Cauayan City, Isabela- Nakapagtala sa kauna-unahang pagkakataon ng isang (1) namatay sa COVID-19 ang Lalawigan ng Batanes.
Batay sa pinakahuling datos ng Batanes as of 12:00PM ngayong araw ng Linggo, September 26, 2021, namatay kahapon, September 25, 2021 ang isang 70 taong gulang na lalaking pasyente mula sa Basco.
Bukod dito, nakapagtala ngayong araw ang probinsya ng 67 bagong positibong kaso na nagdadala sa 349 na kabuuang bilang ng aktibong kaso.
Umaabot naman sa 366 ang total confirmed cases ng Batanes kung saan 17 na rito ang gumaling habang isa (1) na ang nasawi.
Mula sa 349 na active cases ngayon ng Batanes, pinakamaraming kaso sa Basco na may 254; sumunod ang Uyugan na may 25; Mahatao na may 24; Ivana na may 19; Itbayat na may 14 at 13 sa Sabtang.
Nasa 329 naman sa mga COVID-19 Patients ang may ‘mild’ condition; labing dalawa (12) ang Moderate; pito (7) ang Severe at isa (1) ang critical.