Batang nakaranas umano ng verbal abuse ng guro sa Camarines Norte, huminto na sa pag-aaral

Kinumpirma ng magulang na labis ang trauma na pinagdadaanan ng anak niya matapos ang umano’y verbal abuse mula sa Grade 5 class adviser nito sa isang paaralan sa Daet, Camarines Norte.

Kasunod ito ng viral post ng tiyuhin ng bata na si Jeannie Vargas kung saan umuwing umiiyak ang bata at idinaan sa pagsusulat ang sinabi ng kaniyang class adviser kung saan sinabihan ito umano ng bruha, bobo, at hayop.

Ayon sa ina ng bata, hindi na pumapasok ang kaniyang anak at ayaw nang pumasok sa eskwelahan.


Binuweltahan naman ni Vargas ang mga netizens na inaakusahan siyang nagpapapansin lang.

Aniya, masyadong fragile ang mga bata ngayon at humiling na lawakan ang pag-iisip ng mga guro at ibang tao pagdating sa mga ganitong usapin tungkol sa bata.

Sa ngayon ay tumanggap na ng psychological first aid ang bata at patuloy na babantayan ang psychosocial status ng naturang mag-aaral.

Samantala, gumugulong na ang imbestigasyon dito ng Division Office ng Camarines hinggil dito at tinututukan na rin ng Department of Education (DepEd) Central Office.

Facebook Comments