General Santos City—sugatan ang isang habal-habal Driver matapos itong binaril ng Miyembro ng Children In Conflict the Law (CICL) o mas kilala sa tawag na “BATANG SUKARAP” na nagcheck point sa Highway ng balunto, barangay Labangal nitong lunsod.
Kinilala ang biktima na si John Rey Condesa, 26, habal-habal driver at residenti ng Lanton Apopong.
Sinabi ng biktima na alas 2:00 ng madaling araw ng sya ay naghatid ng kanyang pasahero sa Brangay Fatima Gensan. Pagdating nito sa Higway ng Balunto Labangal, nakita nito na may roong nag check point sa nasabing lugar kaya nito binagalan ang kanyang takbo.
Pero nang bigla itong binaril ng isang suspek kung saan ay tinamaan ito a kanyang braso, doon na nito nalaman na hindi pala mga pulis ang nag check point bagkus myembro ng mga Batang Sukarap.
Dahil dito agad na pinatakbo ng biktima ang kanyang motorsiklo palayo sa nasabing lugar. Agad naman itong dumulog ng Police Station 2 bago pa ito dumiritso ng hospital.Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbistigasyon ng pulisya sa nasabing insidenti.
Ang batang Sukarap involved sa iilang kaso dito sa lunsod ng Gensan kagaya ng pagnanakaw, pagpatay at robbery.
“Batang Sukarap” nag check point, isang habal habal driver kanilang binaril
Facebook Comments