Anak ng pulis at dalawang kasamahan-arestado sa drug bust operation

General Santos City—kalaboso ang isang anak ng pulis at dalawa pang kasamahan sa inilusad na drug bust opetation ng Polomolok PNP alas 10:00 ng gabie sa Barangay Poblacion, Polomolok.
Kinilala ang mga suspek na sina Ezra Roel Publico, 44, Richard Verde Flor, 30, anak ng isang pulis, at Jeomar Morales, 36, parehong residenti nga Polomolok, South Cotabato.
Inilusad ang operasyon dahil l narin sa natanggap na report ng Polomolok PNP na involved sa illegal drugs ang anak ng Pulis at dalawa pang kasamahan nito.
Matagumpay naman na nabilhan ng isang kasapi ng Polomolok PNP na nagsilbing poseur buyer ng (1) sachet ng pinaghihinalaang shabu ang tatlong suspek.
Maliban sa nabiling shabu nakakuha pa ng iilang pakete ng pinaniniwalaang shabu ang otoridad sa posisyon ng tatlong mga suspek habang kinumpiska din ng pulisya ang dalawang Motorsiklo na ginagamit sila sa kanilang illegal activity.

Facebook Comments