Nagdeklara na ng state of calamity sa buong lalawigan ng Batangas.
Ito’y kasunod sa malawakang pinsalang dulot ng Bagyong Kristine sa bansa.
Sa isang panayam kay Vice Governor Mark Leviste, kinumpirma nito na mayroong ₱79 milyon na inilaan mula sa kanilang quick response fund para matugunan ang mga agarang pangangailangan ng mga apektadong residente.
Ilalaan ang pondo sa food packs, tulong pinansyal, tulong sa paglilibing, mga gamot, mga hygiene kit, mga supply ng tubig para sa mga apektadong indibidwal at pamilya.
Una rito, pumalo na sa limampu’t dalawa ang nasawi, dalawampu’t isa ang nawawala, at labing walong ang sugatan sa buong lalawigan.
Ayon naman sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), umabot naman sa ₱118 milyon ang pinsala sa Agricultural at fisheries sector.