Manila, Philippines -Tatalakayin na ng Senado sa pagbabalik sesyon nila sa Enero ang limang priority bills.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel – kabilang sa kanilang tututukan ay ang Anti-Terrorism Law, pagbuo ng National I-D System, Universal Health Care Law, Bangsamoro Basic Law at ang pag-convene ng Kongreso bilang Constitutional Assembly (Con-Ass) para amyendahan ang konstitusyon at palitan ng Federal System of Government.
Sa ngayon ang BBL at Federalism ang mga kontrobersyal na panukala na dapat masusing pag-aralan ng Kongreso.
Samantala, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, maaring pag-amyenda sa kasalukuyang kontitusyon ang sagot kung sakaling idineklarang unconstitutional ang Pederalismo.
Facebook Comments