Batas na magbibigay proteksyon sa mga ulirang sanggol, pirmado ni Pangulong Duterte

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas na magbibigay ng mas matibay na proteksyon sa mga batang inabandona ng mga magulang.

Sa ilalim ng Republic Act 11767, ang isang ulilang bata na nasa Pilipinas o natagpuan na inabandona sa mga embahada ng bansa, konsulada at mga teritoryo sa ibang mga bansa ay ikokonsidera nang natural-born Filipino citizen.

Ibig sabihin, entitled ang bata sa lahat ng karapatan at proteksyon simula pagsilang nito.


Ginagarantiyahan din ng batas na makapag-iisyu ng birth certificate sa bata nang walang pagkaantala at may karapatan itong makuha ang lahat ng documentary requirements na isinumite para sa registration.

Alinsunod sa batas, ligtas sa pananagutang kriminal ang sinumang mga magulang na ibinigay sa safe haven o bahay ampunan ang sanggol na 30 araw na gulang pa lamang o mas bata pa rito.

Facebook Comments