Batas na magpaparusa sa mga ospital na tumatanggi sa pasyenteng walang pang-deposito mas hinigpitan na

Manila, Philippines – Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapatupad ng mas istriktong parusa sa mga pagamutan na tumatanggi sa mga pasyenteng walang pang-deposito.

Inamyendahan ng Republic Act. no. 1-0-9-3-2 ang batas pambansa bilang 7-0-2, na mas kilala bilang “An Act Prohibiting the Demand of Deposits or Advance Payments for the Confinement or Treatment of Patients in Hospitals and Medical Clinics in Certain Cases,”.

Sa ilalim ng bagong batas, maaring mapatawan ng parusang pagkakalulong nang hindi bababa sa anim na buwan pero hindi lalagpas sa dalawang taon at apat na buwan ang sinumang medical practitioner o empleyado ng ospital o clinic na lalabag sa mga probisyon nito.


Mayroon ring karampatan multa na P100,000 hanggang P300,000.

Ayon kay Senator Risa Hontiveros na principal author at sponsor ng batas, sa pinalakas na anti-hospital deposit law, mahigpit nang ipagbabawal ang paghingi ng deposito bago gamutin ang pasyenteng nasa emergency situation.

Facebook Comments