Batas na magpaparusa sa mga sumisingit sa pila ng vaccination, itinutulak ng Palasyo

Binigyang diin ng MalacaƱang ang kahalagahan ng pagkakaroon ng batas na magpaparusa sa mga taong lalabag sa vaccine priority list ng gobyerno.

Layunin din nitong matiyak ang patuloy na pagsuporta ng World Health Organization (WHO) sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi tama na may mga sumisingit sa pila dahil malalabag ng Pilipinas ang inilatag na kondisyon ng COVAX Facility.


Ang mga government officials na nagpabakuna agad ay mahaharap sa reklamo sa ilalim ng Code of Conduct and Ethical Standards for Officials and Employees.

Apela ni Roque sa mga alkalde na huwag nang ituloy ang kanilang balak dahil ang mga unang batch ng bakunang dumating sa bansa ay nakalaan talaga sa healthcare workers.

Facebook Comments