Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na layong pagtibayin ang papel ng National Museum of the Philippines bilang ‘keeper’ ng Filipino heritage.
Ito ay sa ilalim ng Republic Act 11333.
Sa ilalim ng batas, ang National Museum ay itinalaga bilang pangunahing institusyon para sa management at development ng mga museo at koleksyon ng mga mahahalagang bagay sa larangan ng sining, kultura at kasaysayan.
Titiyakin din ang independence at autonomy ng National Museum.
Bubuwagin ang revolving fund at ang pondo nito ay ililipat sa National Museum Income Fund.
Ang mga donasyon ay ililikom sa National Museum Donations Fund.
Facebook Comments